Thursday, October 6

Freedom of Speech ala Facebook ✌



FACEBOOK na ang nangungunang networking site na lumalamon sa mga tao ngayon. Ito rin 


ang pilit kinakaibigan ng ilan pang aspiring forms of social media. Pansinin mo, Yung mga 


bagong kumakaribal sa Facebook, maron feature kung saan magrereflect din sa FB account 


mo ang post mo gamit ang site nila. Kagaya nalang ng twitter, tumblr, etc..


Exercising our rights to freedom of speech daw ito. Pero lahat ba e post-worthy? O 


karamihan ay nagdadala lang ng badtrip sa kapwa nila gumagamit ng facenook? Isipin mo..

Freedom of speech pala ha. Ito ang post ko tungkol sa mga post ng iba. Guilty tayo dito. 



AMININ MO NA!


1.
Iwasan ang pabigla – biglang pagpapalit ng relationship status. Lalo na kung mababaw lang 



ang dahilan tulad ng late reply sa text o hindi pag iloveyou sayo ang jowa mo kaninang alas 


tres (sarili nyong 3 o’clock habit). Dahil pag nagka-ayos kayo, at ibinalik mo sa dati ang 


status mo, ikaw din ang magmumukhang praning.



2.
Walang masama kung purong tagalog ang shout out mo. Wag matakot na sabihan nang “uy 



makata”. Kesa naman panay nga ang english, sablay naman ang grammar at hindi kakikitaan 


ng sense ang sinabi. (iba ang you’re sa your).


3.
Check in. Ang post kung saan sinasabi ang kasalukuyan mong lokasyon. Positibo. Pwedeng 



maging safety precaution. At least alam nila kung saan ka huling pumunta sakaling di ka 


mahagilap ng ilang araw. Negatibo. Easy prey ka sa mga serial killers o sa kaibigan na may 


galit sayo. (Ingat ka. HAHAHA)



4.
May “about you” page ang FB. Dun mo isusulat ang mga hilig mo. Di mo na kelangan pang 



magpost ng magpost ng mga youtube videos nila Ozzy Osbourne, Metallica o Korn para 


ipagdiinan na rakista ka. Ikaw din, baka mahirapan kang panindigan. Lalo na pag tumugtog 


na ang paborito mong kanta ni Katy Perry. Napaindak at sing along si Utot.



5.
Hindi kelangan magpost ng mga litrato o video nang iniembalsamo o bangkay na durog 



durog ang katawan at labas ang mga laman loob. Palit kaya kayo nung andun sa picture. Ako 


naman ang magpopost.


6.
Magtira ng konting privacy para sa sarili. Hindi lahat ng bagay ay dapat ishare. Lalo na sa 



social media. Sarilinin mo nalang ang gusot sa pamilya o away mag asawa. Pribado na yon. 


Post ka ng post, tapos mababadtrip ka kung gagawing pulutan sa inuman ang kwento ng 


buhay mo.



7.
Ok lang ipost ang mga bago mong gamit. Gaya ng mga gadget, damit o accessories. 



Natural lang maging proud ka lalo na kung pinaghirapan mo o importanteng tao ang nagbigay 


sayo nito. Di lang siguro tama na sabihing “hay nakakapagod na magshopping, andami ko 


kasi pinamili”.

8.
Kung sakaling may nagpost ng malungkot o kaya’y tungkol sa isang masamang pangyayari 



sa kanila, wag mong i-like. Ano yun? Nagustuhan mo pa na sumemplang siya sa kanal? LOL

9.
Wag mong i-like ang sarili mong post. Kaya nga pinost mo in the first place. Mas malala 



kung ikaw din ang magcocomment. Parang loner ka naman nun.


10.
Wag kang basta basta magpost ng nakakagagong comment, lalo na sa mga picture kung 



saan may mga taong di mo kilala. Halimbawa: “Pre, sino yang kasama mo sa pic? si Bella 


Flores?”. Huli mo na nalaman. Girlfriend pala niya yun.


11
. Kung sakaling may nagpost ng matino at informative na mensahe. Magpasalamat. Huwag 



mag angas sabay comment nang “ay luma na yan, huli kana sa balita” o kaya “wala, 


kalokohan lang yan”. Wag kang magmagaling. Matalino kaba na parang si Rizal? E di pabaril 


ka sa Luneta.


12.
Wag gamitin ang FB para m
agpakalat ng maling impormasyon at maghatid ng mass 


hysteria. Pero kung sino man ang napost na aabot dito ang radiation sa japan. 


Nagpapasalamat sayo ang manufacturer ng Betadine.



13.
Wag sumali at i-like ang isang fan page kung puro kagaguhan lang ang ipopost mo sa wall 



nito. Halimbawa, nagpamember ka sa page ng isang seksing artista tapos mag cocomment ka 


lang ng “uy, sarap mo naman, parang mainit na lugaw sa malamig sa madaling araw”. Tapos 


magtataka, “hala.. bakit ako na banned?”.


14.
Hindi lang ikaw ang may gustong manood ng sine. Wag kang mag post ng mga spoilers na

maaaring ikabadtrip ng iba. “just watched Nardong Putik: Ang Pagbabalik Ni Totoy Burak, 


ganda ng ending, napatay nya ung kontra bida sa pamamagitan ng pagpukpok sa ulo ng isang 


palayok, pero sad dahil huli na nang malaman nya na tatay niya pala yun..”.


15.
Di naman ata kelangan simulan ang post mo sa salitang “Damn!!” o kaya “Oh gosh” lalo 



na kung di naman malubha o kagulat gulat ang pangyayari. Halimbawa: “oh gosh, umuulan”. 


Ayy Bakeeet? Taga saudi??? Hahaha


16.
Wag matawa at kantyawan kung corny o masyadong romantiko ang isang post. Tandaan 



mo, magmamahal ka din. Lintik lang ang walang ganti. Dami kong kilalang ganyan.


17.
Ok lang siguro ipost kung ano at kung saan ka kumakain. Iwasan lang yung pagpopost ng 



close up pictures nung pagkain mismo. Marami ang nagpapalipas ng gutom sa pamamagitan 


ng Facebook. Sino ka para inggitin sila. Parang yung feeling na, asa air-con bus ka, pauwi sa 


bahay at gutom tapos may kumag na kakain ng burger at fries. Langhap mo ang bawat kagat 


niya. Di maka tao. Dapat palitan ang pangalan niya. Gawing Lucifer.


18.
Ok lang siguro ang mag post sa paraang Jejemon. Trip mo yun e. Wag mo nga lang 



asahan na seseryosohin ka kahit matino ang gusto mong sabihin. Expect mo rin na lahat ng 


comment sayo e magtatapos sa “jejejeje”.


19.
Wag magimbita sa isang okasyon gamit ang shout out mo, tapos may ita-tag ka lang na 



piling tao. Bangag kaba? Makikita ng lahat ng “friends” mo na iilan lang ang gusto mo 


papuntahin sa nasabing okasyon.


20.
Pwede ba?? HINDI PORKET ALL CAPS E GALIT ANG NAGPOST. BAKA LUMUBOG AT 



NASTUCK LANG ANG CAPS LOCK.


21.
Sapat naman na siguro ang tatlong exclamation point para ipaalam sa bumabasa na puno 



ng emosyon ang post mo. Di mo kelangan punuin ng punctuations porket walang bayad ang 


extra characters tulad ng sa text messaging. Halimbawa. Pakyu ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


!!!!!!!. Mali yun. Dapat, "Pakyu ka!!!" lang.


22.
Iwasang magpost kung ikaw ay (a) lasing, (b) nasa impluwensya ng ipinagbabawal na 



gamot o (c) hindi tinirahan ng ulam. Walang gustong makabasa ng pag aamok mo na puno ng 


mali maling spelling. Kung sakaling nakakaramdam ng “FB rage”, magpahid ng menthol 


toothpaste sa mga palad, at itampal tampal sa mukha mo hanggang sa kumalma.



23.
Oo, dapat sulitin ang unlimited surfing na maghapon mong binantayan para lang 



maregister. Pero di ibig sabihin nun na post lang ng post. Halimbawa, ang ilalagay mo sa 


shout out mo e tatlong magkakasunond na tuldok. Ano yun? Buti pa quote nalang. Time is 


gold.


24.
Wag trigger happy sa “share” button. Hindi porket di nagappear sa profile page ang 



mabangis mong status message e kelangan mong tiktikin ang pagpindot. Antayin mo lang. 


Mamaya ilang beses na pala napost. Paulit ulit. Wag kang atat. Lalo na kung ang ipopost mo 


e “Patience is a virtue”.


25.
Wag mong kakumpetensyahin ang youtube sa dami ng video na nakapost sa wall mo. OK 



lang siguro kung ishare mo ang isang nakakatawang clip kung saan may nag susurfing na pusa 


o kaya naman e makabuluhang excerpt ng isang documentary. Wag naman yung lahat ng mtv 


ng kantang marinig mo sa jeep o lahat ng episode ng wow mali.


26.
Wag ipahamak ang sarili. Kung sakaling pwede naman palang acronym ang isang term e 



wag mo na itong buuhin sa iyong post, "Laughing out loud!!!!" (FIRST TIME MO?)


27.
Hindi masamang makisali sa mga occasional drives o campaigns. Tulad ng paggamit ng 



picture ng nanay mo pag mother’s day o pag post ng mensahe tungkol sa cancer bilang status 


message mo. Hindi porket di ka nakisali e cool o mas sophisticated ka.


28.
Kung may nagcomment o nagpost sa wall mo na di mo kilala ang pangalan pati na ang 



picture. I-open saglit ang profile. Wag mo agad replyan ng makamandag na “HU U?”. Malay 


mo, tropa mo pala yun. Binaliktad lang ang pangalan. O kaya naman e dinagdagan ng H. 


"Mhayhumhi Pharhedez"..


29
. Kung magcocomment ka, halimbawa sa isang picture, iwasang gumamit ng 



paghahalintulad sa ibang tao lalo na kung kagaguhan lang ang sasabihin mo. Halimbawa, 


“baduy ng porma mo pre, parang bisaya lang” o kaya “mukha kang magsasaka”. Tandaan, di 


ka lamang o nakahihigit sa mga bisaya at magsasaka. Ikaw kaya, magpost ka ng video 


tungkol sa mga unggoy, tapos may magcomment, “ambobobo naman nila, parang ikaw”.


30.
Wag kang magatubiling bumati sa mga post tungkol sa panganganak ng isang ina, 



pagpapakasal ng magsing irog o pagkatangap sa trabaho. Sa magulong mundo, hindi ba’t 


masarap ishare ang mga positibong pangyayari.




Baka malamang e nakataas na kilay niyo sa akin dahil dito, pero nasa DEMOCRATIC COUNTRY 


naman tayo diba? At, sabi nga ng karamihan meron tayong "FREEDOM OF SPEECH" :) 


Sinubukan ko lang naman, Practice ika-nga nila :) :D


Code of ethics. Wala? Oo, Walang basagan ng trip. Inaamin ko na may iilan diyan na 



ginagawa ko. Kaya ko nga sinulat diba? Eh Ikaw? Aminado ka ba?



Pero hindi ba mas maganda kung ginagamit natin ito sa matinong paraan?


-rquiacosan13
(c) ASJ

No comments:

Post a Comment